Pangarap

Pangarap

Ako si Raphael, ito ay kwento ng aking pangarap sa buhay. Lahat tayo ay may pangarap sa buhay.  Lahat gagawin natin upang makamit ito.
Noong bata ako pinapangarap kong maging isang doktor sa kada kadahilangang gusto kong gamutin ang mga taong may karamdaman para makasama pa nila ng mahaba ang kanilang mga pamilya, at gayon din sa aking mga magulang at kamag- anak. Ngunit ito ay nagbago noong ako ay tumuntong sa sekondarya. Ang pangarap kong maging doktor ay napalitaan ng pagiging isang sikat na chef. Sapagkat sa panahong iyon ay nalaman ko ang talagang hilig at tinitibok ng aking puso. Tatlong taon na iyon ang aking pangarap. Sa tuwing sasapit ang buwan ng Hulyo at ang araw na nagdiriwang kami ng Nutrition Month, tuwang tuwa ako na sumali sa paligsahan ng pagluluto. Sapagkat dito mas nahahasa pa ang aking kakayahan sa pagluluto at dito rin ako nakakaisip at nakakaimbento ng panibagong luto. Palagi akong nananalo.
Noong nag 4th yr. high school, ang aming guro sa Araling Panlipunan ay binigyan kami ng kanya kanyang paksa na kailangan naming ibahagi sa aming klase. Ang akin ay Renaissance Period kung saan ibabahagi ko ang mga naganap, kasuotan, at ang impluwensya nito sa ibang bansa at dito sa ating bansa. Pagkatapos ko itong ibahagi sa aming klase sinabi ng aming guro na doon muna ako sa harap sapagkat may sasabihin at tatanungin pa siya sa akin, kaya ginawa ko naman.”  Raph, ano ang balak mong kunin kapag nagkolehiyo kana?” tanong ng aming guro. Hindi ako agad nakasagot agad sa kanyang tanong sapagkat naguguluhan at nagulat ako kung bakit niya tinatanong ang bagay na iyon. Ang tangi ko lang nagawa ay titigan siya. At nakita ko sa mga mata niya na mayroon siyang gusto na dapat lumabas iyon sa aking bibig. Nagising ang aking diwa ng muli niyang tinanong “Raph, ano ang kukunin mo kapag nagkolehiyo ka na?”. “Ma’am, gusto ko pong magluto at maging chef kaya ang kukunin ko pong kurso ay HRM” sagot ko sa tanong sa akin ng aming guro. “Bakit HRM?” sunod niyang tanong. “Ma’am kasi po hilig ko ang pagluluto”, sagot ko. “Alam mo Raph may potensyal ka sa pagtuturo. Bakit hindi kaya iyon ang kunin mo?” sabi niya. Ngumiti na lang ako at pumunta sa aking upuan.
Hapon, pagkauwi ko ng bahay nadatnan ko si tito sa sala ng aming bahay na kausap ang aking ama. “Tay, andito na po ako.” paalam ko. “O, anak andito ka na pala. Punta ka dito at may itatanong sa iyo ang Tito mo.” Sabi ni tatay. “Tito, ano poi yon?” tanong ko. “Raph,anong kukunin mong kurso?” tanong niya. “Pangarap ko pong maging chef, kaya HRM po ang kukunin ko.” “Sigurado ka ba diyan sa desisyon mo?” tanong ulit niya. “Opo” sagot ko. “Mahal ang matrikula at magastos iyon, ayaw mo bang magturo?” dagdag niya. Hindi na lang ako umimik at nagpaalam na pupunta ng kwarto. Hindi ako makatulog ng gabing iyon, sapagkat iniisip ko ang sinabi ng aking Tito.
Nagtapos na ako ng sekondarya at enrollment naming sa kolehiyo. Hindi ko alam kong anong kukunin ko. Iniisip ko ng mabuti at tinitimbang kung pagluluto ba o pagtuturo ang kukunin ko. Pagluluto ang pangarap ko, ngunit magastos at hindi kaya ng magulang ko. Pagtuturo ang sinasabi nila, may potensyalat hindi mabigat sa bulsa ng aking mga magulang. Nagtatalo ang aking puso’t isipan noong panahon na iyon. Sinasabi ng aking puso na piliin ko ang pagluluto sapagkat ito ang gusto ko pero kinukontra ito ng aking isip. Natagalan ako bsa pagdidesisyon. Mahal ko ang pagluluto ngunit magastos kaya sa bandang huli pinili ko ang pagtuturo.Hindi ako nagsisisi na ito ang pinili ko bagkus nagging masaya ako. Sapagkat napagtanto ko na ang pagtuturo ay may kakaibang ligaya na binibigay. Ligaya na kapag nakita mong natututo ang estudyante mo. Hindi man ito ang pangarap ko ditto ako nagging maligaya.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Positibo at Negatibong Epekto ng K-12 Curriculum

KaIBIGan