KaIBIGan

       Ang kwentong ito ay kwento ng isang dalagita na nagkagusto sa sa kanyang kaibigan na dati n’yang kinaiinisan.Siya si Vea Monteverde.18 taong gulang.Kasalukuyang nag-aaral sa isang Mataas na Paaralan sa Bangar,La Union.
                     Vea’s P.O.V    
       Ako si Vea Monteverde.14 taong gulang ako noong una akong umibig sa aking kaibigan na aking kinaiinisan nung una.
        Lunes ng umaga noon,unang araw ng klase.7:00 pa lang ng umaga nasa paaralan na ako.Kahit 9:00 pa ang klase ko.Ayaw ko kasing nahuhuli sa klase lalo na at kabago-bago ko pa lang.Pagkarating ko sa paaralan agad na akong pumunta sa aming klasrum para hindi ako mawalan ng mauupuan.Pagkapasok ko sa aming may mga iilan na akong nakikitang mga kaklase ko.Yung iba abala sa pakikipagkuwentuhan sa kanilang kakilala.Yung iba naman nakikipaghabulan sa iba.Pagtingin ko sa ibang dako n gaming klasrum napansin ko ang isang lalaki na nakaupo mag-isa.Gwapo,maputi,matangos ang ilong at sa tingin ko nasa 5’6 ang tangkad,mapupungay ang mga mata at may mapulang labi.Lumapit ako upang tanungin kung saan may bakanteng .
Ako:Kuya saan po may bakanteng upuan?
S’ya:Bulag ka ba at tanga?Nakita mo na ngang  madami pang mga bakante pa dyan.
          Inis at padabog akong umupo sa isang bakanteng upuan at sabay bulong.
Ako:Gwapo nga suplado naman.Nagtatanong lang ang tao e.
S’ya:May sinasabi ka ba liit?
Ako:Sinong liit ha?
S’ya:Ikaw bakit may angal ka?
Ako:Wala(may inis kung sabi)
       Ilang sandali pa ay dumating na ang aming guro kaya agad nang nagsiupuan ang mga kaklase kong  at.
Guro:Magandang umaga klas.
Lahat:Magandang umaga rin po Ma’am.
Guro:Manatili kayong nakaupo at tayo’y manalangin.
        Pagkatapos naming magdasal pinaupo na kami ng aming guro at sya’y nagpakilala.
Guro:Ako si Ginang Songquan.Ako ang inyong magiging guro sa Filipino at dahil unang araw pa lang ng klase at hindi ko pa kayo kilala.Kaya isa-isa kayong pupunta dito sa harap upang magpakilala.At ang mauuna ay si(sabay turo kay Mr. Sungit.)
Mr. Sungit: Magandang umaga.Ako si Ace Angel Cabisera.15
Ako:Ah!Ace pala ang pangalan nya,hindi bagay sa kanyang ugali.

         Isa-isa nan gang nagpakilala hanggang sa ako na ang nagpakilala.Makalipas ang ilang buwan inis pa rin ako sa kanya dahil hanggang ngayon  napakasungit pa rin nya sa akin.At mas lalong tumindi ang inis ko sa kanya ng minsang nagkaroon kami ng isang proyekto.Magkakaroon kami ng isang dula-dulaan,idudula naming ang Florante at Laura.Sa kinamalas malasan sya ang naging kapareha ko.At ang masaklap pa pinagtabi pa kami ng aming guro para daw maplano namin ang aming gagawin.Syempre ako ayaw kung tumabi sa kanya ,pero noong napansin kami ng aming guro na kung bakit hindi pa rin kami nagtatabi,agad na  akong tumayo at tumabi sa kanya.Pagkaupo ko sa tabi nya narinig ko syang bumulong.
Ace:Nag-iinarte pa gusto din pala akong makatabi.
Ako:Ako nag-iinarte?hahaha,,,feeling ka ano.Ayaw nga kitang katabi,dahil lang dito sa pesteng proyekto na ito kaya napilitan ako.
Ace:Napilitan oh,halata namang gusto mo akong makatabi.
      Hindi ko na lang sya pinansin dahil ayaw kung sayangin ang laway ko sa kagaya.Ilang minuto ding kaming tahimik kaya binagsak ko na lang ito,dahil kailangan na naming simulan ang magplano.
Ako:Ace hindi pa ba tayo magpaplano?
Ace:Ikaw na magsimula.(may halong inis ang boses).
Ako:Hindi ko alam gagawin.
Sya:Akala ko ba matalino ka?Bakit hindi ikaw ang magsimula?
       Dahil sa inis ko padabog kong kinuha ang aking panulat at ang papel at pumunta sa ibang upuan para  doon na magplano.
       Ilang araw ang lumipas at nagsimula na din ang aming pag-eensayo namin.Sa araw -araw kaming magkasama sa aming pag-eensayo,sabay kaming magmeryenda,kumain at umuwi.Palagi nya akong hinihintay sa harap ng gate tuwing umaga para sabay kami pumasok.Napagkakamalan na nga kaming magjowa.Pero magkaibigan lang kami.Kilala na sya ng aking mga magulang.Sa mga panahon din iyon unti-unti ko ng nakikilala kung sino talaga at unti-unti na rin ako nahuhulog sa kanya.Pero ang pagkakaibigan pa lang iyon ay panandalian lamang,dahil sa isang lalaki,si Godfrey.Nagpapatulong sya sa akin para sa kanyang proyekto,dahil sa mabait ako ay tinulungan ko sya.
Godfrey:Vea puwede mo ba akong tulungan dito sa aking proyekto?
Ako:Sige ba.
        Habang gumagawa kami,dumating si Ace at noong tignan ko sya nanlilisik ang kanyang mga mata na akala mo ay gusto ng pumatay.Kaya kinausap ko si Godfrey kung puwedeng ituloy na lang namin mamaya.At pumayag naman sya.
Ako:Puwede maya na lang natin ulit ito ituloy may kakausapin lang ako.
Godfrey:Sige ayos lang,puntahan mo na ang bf mo mukhang nagseselos yata.
Ako:Hindi ko bf iyon,magkaibigan lang kami.
Godfrey:Hindi daw halata namang gusto mo sya at gusto ka rin nya.
         Hindi ko na lang pinansin ang sinabi at umalis na lang ako upang tanungin kung ano ang problema ni Ace.
Ako:Ace may problema ba?
Ace:Wala!
Ako:Sigurado ka?
Ace:Wala nga ang kulit nito,doon ka na nga nakakaisturbo ka!
Ako:Ano ba problema mo?Nagtatanong lang ako galit kana.Nagseselos ka ba kay Godfrey?
Ace:Ako magseselos?Bakit ano ba kita?Kaibigan lang kita kaya wala akong karapatang magselos Kaya umalis ka na!At isa pa pala layuan mo na ako puwede?Kasi nakakasawa kang kasama.
        Sa sinabi nyang iyon ay nadurog ang aking puso.Akala ko kaya sya tumingin ng ganoon ay dahil sa nagseselos sya hindi pala ,ako lang pala itong umasa.Sa sumunod na mga araw,bumalik ang dating Ace.Yung Ace na masungit at hindi ako pinapansin.Kahit sa pag-eensayo hindi nya ako pinapansin at kinakausap.Iniisip ko tuloy kung ano ba ang nagawa kung kasalanan,bakit nya ginagawa sa akin ito.Lumipas ang ilang linggo ganoon pa rin sya sa akin.Minsan napapansin kung nakatingin sya sa akin,pero pagtitingin ako umiiwas sya.Dahil sa hindi ko na matiis na ganoon ang set-up namin,kaya naglakas loob akong kausapin sya.
Ako:Ano ba talagang problema mo ha?At ilang linggo mo na akong hindi kinakausap at pinapansin.May nagawa ba akong kasalanan?Sabihin mo.
Ace:Ikaw,ikaw ang problema ko.
Ako:Ako?Bakit ako?
Ace:Kasi,anong meron sa iyo,bakit madaming lumalapit sayong lalaki?At bakit napakamanhid mo?
Ako:Ha?Ako manhid bakit?
Ace:Manhid ka talaga.Gusto kita.Natatakot ako na kapag inamin ko sayong gusto kita baka layuan mo ako at masira ang ating pagkakaibigan.Kaya lumayo na lang ako kasi akala ko kapag lumayo ako mawawala na ang mararandaman ko sa iyo pero mali ako kasi mas lalo pa akong nahuhulog sa iyo.
Ako:Totoo ba yan?
Ace:Oo gusto kita!
Ako:Ang tanga mo,bakit ngayon mo lang sinabi?Mahal din kita!
Ace:Talaga?
Ako:Oo nga!
Ace:So tayo na?
Ako:Ano ako gaya ng ibang babae na madaling makuha?Syempre manligaw ka muna no!
Ace:Sige ba,kahit araw-araw pa kitang ligawan.
         Laking tuwa ko nung nalaman kong preho kami ng nararamdaman para sa isa't isa.Apat na taon na kaming magkasintahan ngayon.Maraming mga pagsubok pero hinarap namin ito ng sabay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Positibo at Negatibong Epekto ng K-12 Curriculum

Pangarap