Positibo at Negatibong Epekto ng K-12 Curriculum

                Noon lamang 2012 naipasatupad ang K-12 program na isinabatas ng ating Dating Pangulong Aquino. Nais niyang maging maayos ang pagpapatakbo ng sistema ng edukasyon sa pilipinas. Kung kayat isinabatas niya ito na maaaring makatulong sa mga kabataan. Gayunpaman, Marami pading tumutol dito lalo na ang mga magulang na dumadanas ng kagipitan upang mapag aral pa ang kanilang mga anak at ang mga kakulangang pasilidad upang makapagpatayo ng bagong paaralan para sa mga istudyanteng magsisipag aral. 
Ang programang ito ay ipinatupad ng pamahalaan upang tulungan ang mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Dahil pilipinas na lamang ang may sampung taon ng Basic Education. Kayat ipinatupad ng pamahalaan ang K-12 Program na kung saan ginawang mandatory ang kindergarten.At may tinatawag na Junior High School o Grade7-10, at ang dagdag na dalawang taon na tinatawag na Senior High School. Ang kahalagahan ng programang ito ay makakatulong sa mga kabataan na makahanap agad ng trabaho at maging bukas pa lalo ang kanilang kaisipan sa kursong kanilang napili. Makakatulong ang dalawang taon na dagdag sa highschool upang kapag nagkolehiyo sila ay may kaalaman na sila sa kursong kanilang itetake. 
               Nang magkaroon na ng unang batch ng mga nagsipagtapos na mga junior highschool ay mas lalong naging komplikado sa paningin ng lahat dahil na rin sa mga paaralang hindi pa tapos gawin. Lalo na sa mga estudyanteng magsisipasok sa pampublikong paaralan. Gayunpaman ang pamahalaan ay nag offer ng benepisyong tulong sa mga mag aaral na nais mag aral sa pribadong paaralan, Ito ay ang voucher na naglalaman ng 17,500 na dagdag pinasyal sa gastusin ng mga estudyante na magsisilbing tuition fee. Sa kalaunan, ay nakikita naman na habang tumatagal ay nakikita naman ang epekto nito sa mga mag aaral, Hindi ito para lang sa ikauunlad ng bansa, Para rin ito sa pag unlad ng kaisipan ng mga kabataan tungo sa kaunlaran.
         Sa datos ng Ibon Foundation, isang grupo ng mga mananaliksik, nasa 4.3 milyong Pilipino ang bilang ng unemployed at nasa 6.9 milyon ang under employed noong 2014.
      Sa ganitong balangkas na inaasahang tataas ang bilang ng walang trabaho, mas higit na makakapagdikta ang mga kapitalista o negosyante nang mas mababang sahod, wala o kulang na benepisyo, at sistemang kontraktuwal.
Dahil sa pag-aagawan sa limitadong trabaho, pikit-matang tatanggapin ng isang manggagawang may binubuhay na pamilya — kahit ang mga pinakamasahol na kondisyon sa paggawa.
        Ito rin ang nagtutulak sa mga Pilipino na mangibang bayan para roon makipagsapalaran. Mas gugustuhin ito ng isang gobyernong walang malikhang trabaho sa kanyang mga mamamayan dahil mas malaki ang kikitain nito sa porma ng mga remittances mula sa overseas Filipino workers (OFW) alinsunod sa labor export policy nito.
       Ayon sa Ibon, mas marami ang inilabas na manggagawa (4,500) ang gobyerno kada araw kaysa sa naidaragdag nitong bilang na nagkatrabaho (2,800) kada araw sa bansa noong 2014.
       Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2014, umabot sa $26.924 Bilyon ang cash at non-cash remittances sa bansa mula sa $25.351 noong 2013.
      Dahil din dito, lubhang mababawasan ang mga papasok ng kolehiyo na magbibigay ng dahilan sa gobyerno na bawasan ang pagpondo sa mga state universities and colleges (SUCs). Magdudulot ito ng mas mataas na matrikula sa kolehiyo sa parehong pribado at publikong unibersidad.
      Ganito ang balangkas na layunin ng Roadmap for Public Higher Education o RPHER ng administrasyong Aquino. Isa sa mga layunin nito ang pagbabawas ng badyet sa edukasyon para itulak ang mga ito na maging self-sufficient o umasa sa sarili. Layunin din nitong itransporma ang SUCs para pagkunan ng murang laka- paggawa ng pandaigdigang merkado.
     “Sa panahong nagtataas ng matrikula ang SUCs, nagbibigay ito ng higit na dahilan para sa mga private higher education institutions na magtaas ng matrikula,” ani Sarah Jane Elago, tagapangulo ng National Union of Students of the Philippines (NUSP).
       Ngayong taon, nasa 313 ang mga pribadong pamantasan ang pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) na magtaas ng matrikula. Halos taun-taon kung payagan ng CHED ang pagtataas ng matrikula. Hindi ito ma-regulate mismo ng gobyerno dahil sa Education Act of 1982 na nagbibigay pahintulot dito.
       Nasa P60,000 hanggang P80,000 ang tinatayang halaga kada semestre sa    kolehiyo sa kasalukuyan.
       Maging ang calendar shift sa academic year ay bahagi din ng pagpili na lamang ng mga kursong “marketable o madaling mabenta sa mga mag-aaral. Sinimulan ito ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) na nagtulak sa UP Los Banos na magkaroon ng“marketability assessment sa kanilang subjects. Sa UP Manila ang pagkakaroon naman ng program review na magbibigay daan sa pagra-rationalize at pagre-realign ng kanila umanong limitadong badyet para sa competitive subjects”.
      Nangangahulugan ito na ang edukasyong nilikha, ang kasanayang natutunan ng mga Pilipino na dapat sana ay pakikinabangan ng bansa, ay mapupunta sa pakinabang ng mga dayuhang bansa base sa pangangailangan ng dayuhan.



Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pangarap

KaIBIGan