Mga Post

Pangarap

“ Pangarap ” Ako si Raphael, ito ay kwento ng aking pangarap sa buhay. Lahat tayo ay may pangarap sa buhay.  Lahat gagawin natin upang makamit ito. Noong bata ako pinapangarap kong maging isang doktor sa kada kadahilangang gusto kong gamutin ang mga taong may karamdaman para makasama pa nila ng mahaba ang kanilang mga pamilya, at gayon din sa aking mga magulang at kamag- anak. Ngunit ito ay nagbago noong ako ay tumuntong sa sekondarya. Ang pangarap kong maging doktor ay napalitaan ng pagiging isang sikat na chef. Sapagkat sa panahong iyon ay nalaman ko ang talagang hilig at tinitibok ng aking puso. Tatlong taon na iyon ang aking pangarap. Sa tuwing sasapit ang buwan ng Hulyo at ang araw na nagdiriwang kami ng Nutrition Month, tuwang tuwa ako na sumali sa paligsahan ng pagluluto. Sapagkat dito mas nahahasa pa ang aking kakayahan sa pagluluto at dito rin ako nakakaisip at nakakaimbento ng panibagong luto. Palagi akong nananalo. Noong nag 4 th yr. high school, ang aming guro...

Positibo at Negatibong Epekto ng K-12 Curriculum

                Noon lamang 2012 naipasatupad ang K-12 program na isinabatas ng ating Dating Pangulong Aquino. Nais niyang maging maayos ang pagpapatakbo ng sistema ng edukasyon sa pilipinas. Kung kayat isinabatas niya ito na maaaring makatulong sa mga kabataan. Gayunpaman, Marami pading tumutol dito lalo na ang mga magulang na dumadanas ng kagipitan upang mapag aral pa ang kanilang mga anak at ang mga kakulangang pasilidad upang makapagpatayo ng bagong paaralan para sa mga istudyanteng magsisipag aral.  Ang programang ito ay ipinatupad ng pamahalaan upang tulungan ang mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Dahil pilipinas na lamang ang may sampung taon ng Basic Education. Kayat ipinatupad ng pamahalaan ang K-12 Program na kung saan ginawang mandatory ang kindergarten.At may tinatawag na Junior High School o Grade7-10, at ang dagdag na dalawang taon na tinatawag na Senior H...

KaIBIGan

       Ang kwentong ito ay kwento ng isang dalagita na nagkagusto sa sa kanyang kaibigan na dati n’yang kinaiinisan.Siya si Vea Monteverde.18 taong gulang.Kasalukuyang nag-aaral sa isang Mataas na Paaralan sa Bangar,La Union.                       Vea’s P.O.V            Ako si Vea Monteverde.14 taong gulang ako noong una akong umibig sa aking kaibigan na aking kinaiinisan nung una.         Lunes ng umaga noon,unang araw ng klase.7:00 pa lang ng umaga nasa paaralan na ako.Kahit 9:00 pa ang klase ko.Ayaw ko kasing nahuhuli sa klase lalo na at kabago-bago ko pa lang.Pagkarating ko sa paaralan agad na akong pumunta sa aming klasrum para hindi ako mawalan ng mauupuan.Pagkapasok ko sa aming may mga iilan na akong nakikitang mga kaklase ko.Yung iba abala sa pakikipagkuwentuhan sa kanil...