Positibo at Negatibong Epekto ng K-12 Curriculum
Noon lamang 2012 naipasatupad ang K-12 program na isinabatas ng ating Dating Pangulong Aquino. Nais niyang maging maayos ang pagpapatakbo ng sistema ng edukasyon sa pilipinas. Kung kayat isinabatas niya ito na maaaring makatulong sa mga kabataan. Gayunpaman, Marami pading tumutol dito lalo na ang mga magulang na dumadanas ng kagipitan upang mapag aral pa ang kanilang mga anak at ang mga kakulangang pasilidad upang makapagpatayo ng bagong paaralan para sa mga istudyanteng magsisipag aral. Ang programang ito ay ipinatupad ng pamahalaan upang tulungan ang mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Dahil pilipinas na lamang ang may sampung taon ng Basic Education. Kayat ipinatupad ng pamahalaan ang K-12 Program na kung saan ginawang mandatory ang kindergarten.At may tinatawag na Junior High School o Grade7-10, at ang dagdag na dalawang taon na tinatawag na Senior H...